-- Advertisements --
Binalaan ng Department of Energy (DOE) ang mga manufacturers at retailers ng liquefied petroleum gas (LPG) na mayroong mabigat na kaparusan kapag nasita silang nagbebenta ng mga generic at substandard na tangke ng LPG.
Sinabi ni DOE Director Rino Abad, na bawat paglabag ay mayroong P25,000 na mula sa mga seller o manufacturere.
Layon nito ay para na rin sa proteksyon ng mga consumers dahil kadalasan na nagdudulot ng sunog ang mga paggamit ng mga substandard na LPG.
Hinikayat din ng DOE ang mga consumers na siyasating mabuti ang mga tangke ng LPG at tignan kung walang mga singaw para maiwasan ang anumang sakuna.