-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Department of Energy na tanging mga opisyal na law enforcement agencies ang otorisadong magsagawa ng inspection sa mga pasilidad at mga sasakyan na gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon sa DOE na hindi sila nagbibigay ng anumang otoridad sa sinumang indibidwal.

Lahat aniya ng mga opisyal ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) and the Energy Industry Management Division (EIMD) na nag-iinspect ay may kaukulang dokumento bago isagawa ang trabaho.

Nanawagan sila sa publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina ang sinumang nagpapanggap na kawani sila ng DOE para ito ay agad na maaresto.