Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa publiko hinggil sa ‘di awtorisadong paggamit ng mga pangalan ng kanilang opisyal sa paghingi ng pera kapalit ng mga programa at serbisyo.
Ito ay matapos na makatanggap ang ahensya ng mga ulat hinggil kay John Rick Salcedo na nagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng isang mobile number at ginagamit ang pangalan ni DOE Sec. Raphael Lotilla upang mangolekta ng pera mula sa energy service companies.
Pinayuhan ng DOE ang publiko, lalo na ang mga kabilang sa industriya, na ang ganitong gawain ay ipinagbabawal ni Secretary Lotilla at dapat itong ireport agad sa DOE sa numerong 8-479-2900 o magpadala ng e-mail sa infocenter@doe.gov.ph.
Binigyang-diin ng ahensya na mahigpit silang sumusunod sa Code of Conduct and Ethical Standards na nagbabawal sa sinuman sa DOE na humingi ng pera o mahaharap ito sa mga kriminal na kaso