Pinirmahan na ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang naturang Notice to proceed o NTP upang maumpisahan na ang konstruksyon ng kumpanyang Samat LNG energy Corporation kabilang ang anim pang kumpanya na nakatakda ring magtayo ng nautrang Gas Recieving Terminal.
Layon nito ay upang mapunan ang karagdagang supply ng enerhiya sa bansa dahil sa unti-unting pagbaba ng energy reservoir sa Malampaya Gas Facility.
Ito ang dahilan na naglabas na ang pamunuan ng Department of Energy o DOE ng Notice to Proceed sa pagpapatayo ng mga Liquified Natural Gas Terminal sa lalawigan ng Bataan.
Kaugnay nito, nakakatag na ang regulatory framework para sa natural gas development ng bansa upang tumalima ang mga ito sa mga patakaran ng DOE hinggil sa pagpapatayo ng nasabing Gas Recieving terminal sa bansa.
Kapag natapos na ang naturang proyekto ay inaasahan na malaki ang maitutulong nito lalo na sa nalalapit nang maubos ang supply ng natural gas sa Malampaya at magiging sapat na ang supply ng enerhiya sa bansa dahil sa patuloy na paglobo ng demand sa supply nito sa merkado.