-- Advertisements --
Muling hinikayat ng Department of Energy ang publiko na matipid sa kuryente sa gitna ng pananalanta ng Bagyong Aghon sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nagdudulot ng substantial decrease sa available power supply sa transportation grid ang nararanasang bagyo ngayon sa bansa, habang hindi pa aniya nakakarekober sa ngayon ang mga hydropower plant nang dahil naman sa mababang suplay ng tubig.
Aniya, ang pagtitipid ng publiko sa kuryente ay makakatulong upang mabawasan ang pag-dispatch ng mas maraming expensive oil-based power plants.
Samantala, bukod dito ay inihayag din ng opisyal na maging ang mag commercial industrial consumers ay inabisuhan nilang makibahagi sa interruptible load program ng ahensya.