-- Advertisements --
Porac

Nagpatupad ng price freeze ang Department of Energy (DOE) sa liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa Porac, Pampanga.

Ang price freeze na ito ng DOE ay alinsunod na rin sa deklarasyon ng state of calamity sa Porac kasunod ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Zambales at iba pang bahagi ng Luzon kahapon.

Aabot sa 15 araw ang effectivity ng price freeze mula sa kung kailan inanunsyo ang state of calamity.

Nakasaad sa ilalim ng Republic Act 7581, na naamiyendahan ng RA 10623, o ang “Price Act,” ipapatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin kapag mayroong kalamidad.

Sinabi ng DOE na patuloy nilang imo-monitor ng updates sa oras na magkaroon pa sila ng karagdagang impormasyon sa insidente.