-- Advertisements --

Isinusulong ngayon ng Department of Energy (DOE) at Electric Vehicle Association of the Philippines ang pagsama sa mga two at three wheeled electric vehicles sa executive order na import tariff suspension.

Sinabi ni Energy Director Patrick Aquino na ang Executive Order 12 ay sumasakop lamang sa mga four-wheeled vehicles na hindi papatawan ng import tariff sa loob ng limang taon.

Dahil sa nasabing Executive Order ay napababa ang presyo ng ilang electric cars kaya nais ni Aquino na isama na ang tricycles at motorcycles.

Giit nito na nananatiling mabenta kasi ngayon ang two-wheeler kaya mararapat na ito ay matanggalan na rin ng taripa.

Sa ating bansa lamang kasi ang may mataas na presyo ng mga electric vehicles kumpara sa ibang mga bansa.