-- Advertisements --
image 471

Nakakuha ng technical assistance ang Department of Energy mula sa gobyerno ng United Kingdom na itutuon sa pagtugon sa mga isyu sa pagpapaunlad para sa mga target na offshore wind project sa Pilipinas.

Kabilang sa proyekto ang mga nasa marine spatial planning, licensing, at permit ng bansa.

Ang technical assistance, tulad ng inihayag ng departamento ay ihahatid sa pamamagitan ng Southeast Asia Energy Transition Partnership.

Ilang opisyal ng gobyerno, sa pangunguna ni Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevara ay nasa UK kamakailan sa layuning alamin kung paano pinabilis ng British energy market ang mga pag-unlad nito sa offshore wind.

Una na rito, ang kapasidad ng offshore wind farm ng UK ay umabot na sa 14 gigawatts na may higit sa 11,000 turbine na naka-deploy sa mahigit 40 na mga proyekto sa iba’t-ibang lugar.