-- Advertisements --
e vehicle

Nanawagan ang Department of Energy ng mas mabilis na rollout ng mga electric vehicles sa Pilipinas upang mabawasan na ang pagdepende ng bansa sa fossil fuels.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pagsuporta ng kagawaran sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng isang enabling environment para sa pagpapaunlad pa ng paggamit ng electric vehicle sa bansa.

Sa isang pahayag ay ipinaliwanag ng ahensya na inaasahang mababawasan daw kasi ang pagdepende ng bansa sa imported fuel at clean energy-efficient transport technologies kung magshishift ang Pilipinas sa paggamit ng electronic vehicle.

Kaugnay nito ay sinabi ng kagawaran na layunin nitong maglunsad ng nasa humigit-kumulang 2,454,200 na mga de-uryenteng sasakyan, na kinabibilangan ng mga kotse, tricycle, at motorsiklo, upang makatulong na sa kalikasan kasabay ng pagbuo ng investments para sa isang makabagong industriya sa taong 2028.

-- Advertisement --

Dagdag pa rito ay sinabi na rin ng Department of Transportation na gumagawa na ito ng isang roadmap para sa paglipat ng transportation sektor sa paggamit ng electric vehicles habang kinokonsidera din nito ang pagbibigay pa ng tax incentives at soft loan sa mga transport operator upang matulungan silang magshift sa electric vehicles.