-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis na isagawa sa staggered basis ang pagpapatupad ng taas-presyo sa produktong petrolyo.

Ito ay bilang hakbang para sa pagpapagaan sa pasanin ng taumbayan dulot ng sunud-sunod na malakihang oil price hike sa bansa.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na patuloy ang panawagan ng ahensya sa lahat ng mga oil companies na gumawa ng paraan upang maiwasan ang matinding epekto ng naturang dagdag-presyo sa produktong petrolyo para sa mga consumer nito.

Magugunita na noong nakalipas na linggo ay ipinatupad ang ika-sampung big time oil price hike sa taong ito at inaasahan naman na magpapatuloy pa ito hanggang ngayong linggo kung saan ay tinatayang aabot sa P8.28 ang itataas sa kada litro ng gasolina, habang nasa P12.72 naman ang magiging dagdag sa singil sa kada litro n diesel.

Samantala, makikita sa pinakahuling datos ng DOE na ang total net increase ng year-to-date adjustments stand ay umabot sa P8.75 sa kada litro ng gasolina, P10.85 para sa kada litro ng diesel, at P9.55 naman sa kada litro ng kerosene noong Pebrero 22, 2022.