-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko na magtipid ng paggamit ng kuryente lalo na ngayong pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Sinabi ni Energy Secretaray Raphael Lotilla, na kapag walang pakialam ang publiko sa paggamit ng kuryente ay maaaring magkaproblema sa power grid na siyang magreresulta sa problema sa suplay ng at pagtaas ng singil.

Hinikayat nila ang mga consumers na iwasan ang paggamit ng mga matataas na magkunsomo ng mga appliance mula alas-11 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa weekdays at alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi sa weekends.

Sakaling masunod ito ay maiiwasan ang problema sa suplay ng kuryente mula sa mga power grid.