Nilagdaan na ng Department of Energy at Mainstream Renewable Power ang dalawang magkahiwalay na proyekto na target magtayo ng ng mga onshore wind projects sa Pilipinas.
Ito ay magkakaroon ng kabuuang energy capacity na aabot sa 440 megawatts na maghahatid serbisyo naman sa Luzon at Visayas.
Ang unang offshore wind project ay target itayo sa sa probinsya ng Cagayan.
Magkakaroon ito ng capacity na 100 megawatts habang ang natitirang 340 megawatts ay ilalaan naman sa bahagi ng Panaon Wind Project sa Panaon Island sa Leyte.
Ito rin ay itinuturing na kauna-unahang wholly owned onshore service agreement sa Pilipinas ng nasabing kompanya.
Kabilang rin ito sa unang 100 percent foreign-owned nan kumpanya na nag-develop ng indigenous at renewable energy sources dito sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOE Sec. Raphael Lotilla na ang kontratang ito ay tiyak na magpapabilis sa implementasyon sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagandahin ang indigenous at renewable energy sources ng bansa.
Kung maaalala, inalis na ang restriction sa foreign ownership para sa renewable energy development.
Nakatakda namang masimulan ang konstruksyon ng proyekto huling bahagi ng 2024 at tuluyan itong patatakbuhin pagsapit ng taong 2026.
Inaasahan naman na magsisimula ang konstruksyon para sa mga nasabing proyekto sa huling bahagi ng 2024 at ang commercial operation nito sa taong 2026.