Handa umanong humarap sa mga mambabatas ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE) kasunod ng panawagang imbestigasyon sa sitwasyon ng enerhiya sa bansa.
Ito’y makaraang makaranas ng magkakasunod na rotational brownout ang mga consumer na sine-serbisyuhan ng Luzon Grid dahil sa pagnipis sa supply ng kuryente.
Sa isang press briefing nitong araw sinabi ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella na handa ang kagawaran na ilatag sa Kongreso ang reports ng bawat planta kaugnay ng hindi planadong pagpalya ng mga ito.
Siniguro rin nito na magpe-presenta sila ng mga dokumento sa Malacanang at Energy Regulatory Commission.
“What we can tell our consumers is all the information that we’ll gather will be submitted to the Energy Regulatory Commission (ERC), Philippine Competition Commission (PCC), Congress and especially to the President,†ani Fuentebella.
“At the end of the day, we will remain answerable to all these and we will try to leave you with as many updates, as transparent and as timely as we can,†dagdag ng opisyal.
Batay sa inisyal na impormasyong hawak ng DOE, tanging unplanned outage ang rason sa pagnipis ng energy reserve kamakailan.
Sa hanay naman ng generation companies, nanindigan ang mga ito na walang sabwatan sa kanilang pagitan.
Malinaw daw kasi ang kanilang kasunduan na sakaling hindi maging sapat ang kanilang power supply ay ibebenta pa rin nila sa tamang presyo ang kuryente kahit kapalit nito’y pagbili nila ng mas mahal sa spot market.
Sa datos ng Energy department, nasa halos 1,500-megawatts na ng kuryente ang nawala dahil sa biglaang outage.
May higit 900-megawatts din na hindi available sa ngayon para bigyang daan ang maintenance ng ilang planta.
Ayon kay Fuentebella, kailangan ng improvement sa scheduling ng maintenance ng mga planta nang hindi nagdudulot ng aberya sa mga consumer.