Posibleng abutin pa raw ng dalawang araw bago maibalik ang supply ng kuryente sa buong lalawigan ng Cagayan ayon sa Department of Energy (DOE).
“As soon as the water subside and we finish the inspection, maybe in two days,” ani Energy Sec. Alfonso Cusi sa Cabinet meeting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kalihim, dalawang hanay ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO) ang nagbibigay serbisyo sa lalawigan.
Sa ngayon, ang CAGELCO-1 na sakop ang 385 barangay, ay may 27 lugar nang nabalikan ng supply ng kuryente. Kabilang na dito ang ilang bahagi ng Tuguegarao City.
Samantalang ang mga lugar na sakop ng CAGELCO-2 ay malapit na rin makatanggap ng electric supply. Hinihintay lang daw ng DOE ang activation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission.
“CAGELCO-2 (is) awaiting (for the) activation by NGCP transmission. They are ready to receive power but only considering the safety because of the flood.”