-- Advertisements --
Inabisuhan na ng Department of Energy (DOE) ang mga kompaniya ng langis para magpaliwanag sa kulang umano na bawas-presyo ng mga produktong petrolyo na ipinatupad ngayong linggo.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, kulang umano ng P0.16 ang bawas presyo na ginawa ng mga oil firms.
Sa ipinatupad na bawas presyo mayroong P1.45 hanggang P1.55 na rollback sa kada litro ng gasolina habang mayroong P0.50 hanggang P0.60 naman sa kada litro ng diesel ang bawas.
Dagdag pa ng DOE, maging ang mga liquefied petroleum gas (LPG) company ay kasama na magpapaliwanag.