-- Advertisements --
image 476

Tinitingnan ng Department of Energy ang 11,160 megawatts (MW) ng renewable energy (RE) sa ilalim ng Green Energy Auction Program (GEAP) mula 2024 hanggang 2026.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevara, ang ahensya ay nagmungkahi ng mga target installation na 3,590 Megawatts ngayong taon, 3,630 Megawatts sa 2025 at 4,390 Megawatts sa 2026.

Ang mga ito ay kabilang aniya sa Renewable resources, kasama ang ground-mounted solar, rood-mounted solar, onshore wind at biomass.

Target ng naturang departamento na isagawa ang Green Energy Auction Program sa Hunyo ngayong taon kasunod ng tagumpay ng unang programa noong 2022.

Isinasagawa ng Deparment of Energy ang Green Energy Auction Program upang magbigay ng karagdagang merkado para sa Renewable energy sa pamamagitan ng mapagkumpitensyang electronic bidding.

Ang programa ay idinisenyo din upang makaakit ng mas maraming pamumuhunan sa sektor ng Renewable Energy sa ating bansa.