-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy ang mga motorista dahil sa napipintong pagtaas muli ng presyo ng langis sa susunod na linggo.
Base kasi sa unang tatlong trading days sa Mean of Platts Singapore ay nagtala ng P1.41 kada litro na pagtaas ng gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P0.45 sa kada litro na pagtaas at ang kerosene naman ay mayroong P0.57 sa kada litro na pagtaas.
Ang patuloy pa rin na geopolitical tensions sa Middle East ang itinuturong dahilan ng nasabing pagtaas.
Sa araw pa ng Lunes malalaman ang panibagong pagtaas sa presyo ng langis na ito ay kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.
Mula pa noong Hunyo 18 ay tumaas na ng mahigit P4.00 sa kada litro ang diesel habang ang gasolina ay tumaas na ng P3 kada litro.