-- Advertisements --
Pupulungin ng Department of Energy (DOE) ang mga malalaking electric companies para matiyakung sumusunod sila sa polisiya.
Sinabi ni DOE Undersecretary Felix William “Wimpy” Fuentebella, na noong nakaraang taon kasi ay naglabas na sila ng polisiya sa pagsaagawa ng maintenance ng generators tuwing Abril, Mayo at Hunyo o mga “peak quarters”.
Mapaparusahan ng Energy Regulatory Commission, Philippine Competition Commission o ng Department of Justice ang mga electric companies na hindi nag-cocomply.
Nauna ng sinabi ng DOE na malaki ang posibilidad na babagsak ang electricity reserves ng bansa sa yellow o baka aabot pa sa red levels hanggang sa susunod na buwan dahil sa scheduled preventive maintenance ng dalawang power plants.