-- Advertisements --
Umapela ang Department of Energy (DoE) sa publiko na magtipid sa konsumo ng kuryente sa kabuuan ng darating na panahon ng tag-init.
Ito’y kahit tiniyak ng kagawaran na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa kabila ng nararansang matinding tagtuyot o El Nino.
Sinabi ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella, dapat umanong mabatid ng mga konsyumer ang impact ng paraan ng paggamit nila ng mga appliances upang hindi mabigla sakaling dumating na ang electricity bill.
Ayon pa kay Fuentebella, kung hindi sabay-sabay na papalya ang mga planta, tiyak umanong aabot hanggang Hunyo ang magiging suplay ng kuryente.