Dalawang planta ng kuryente ang bumagsak ngayong araw kaya nakaranas na naman ng pagnipis sa supply ng kuryente nitong hapon ang Luzon Grid.
Bukod dito may walong power plant din ang nagbawas sa distribusyon ng kanilang kuryente dahil sa iba’t-ibang aberya.
Pero ayon sa Department of Energy (DOE) walang dapat ikabahala ang mga boboto sa Lunes dahil sapat ang supply ng kuryente na kanilang nabatid para tugunan ang demand sa buong election week.
Sa isang press briefing sinabi ni Energy spokesperson Usec. Wimpy Fuentebella na nagsimula ng kumilos ang kanilang Task Force na tututok sa sitwasyon ng enerhiya hanggang matapos ang bilangan ng mga balota.
“Ang ina-assure namin sa ating mga kababayan is that the Energy family is working 24/7, not only for monitoring, but we also deployed our personnel to make sure na yung mga kuryente mula planta papunta sa mga polling places at canvassing stations ay magkakaroon ng sapat na kuryente,” ayon sa opisyal.
“We have sufficient supply for tomorrow (May 11), May 12, May 13, May 14, May 15, May 16 for the entire election week,” dagdag nito.
“Pagdating ng May 15, ganun pa rin po ang situation. Sa May 16 and 17 nakikita natin na medyo bababa ang demand so magkakaroon tayo ng excess na reserba,”
Tiniyak naman ng DOE na sakaling makaranas ng yellow alert sa May 14 ay hindi ito magdudulot ng brownout.
Ngayong araw nang simulan na rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang operasyon ng kanilang command center at tiniyak ang agarang aksyon sakaling makaranas ng aberya sa kuryente.
“With its security and contingency preparations set, NGCP can ensure reliable power transmission services before, during, and after the election date,†ayon sa NGCP.
Hinimok nman ng Meralco ang mga teacher na magsisilbi sa eleksyon na huwag ng magbitbit ng iba pang appliances sa polling precincts.