-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangako si Department of Energy Undersecretary Sharon Garin na suportahan at tulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu na maisakatuparan ang waste-to-energy facility.

Nakikita umano ni USec Garin na isa ito sa pinakamagandang proyekto na sinimulan sa local government level.

Malaki pa umano ang maitutulong nito bilang solusyon sa pagtugon sa patuloy na krisis sa basura sa bansa.

“Tulungan talaga natin to hasten, mabilisan yung proseso para matulungan natin kasi napakagandang proyekto nito. It will help people in terms of energy, may electricity tayo pero nililinis din natin yung environment natin. So, it’s one of the most brilliant projects I’ve seen in local government,” ani Garin.

Umaasa naman itong magsisilbing sanang template para sa iba pang local government units na gayahin sa kanilang mga lugar.

Samantala, una nang iginiit ni Garcia na kailangan ng Cebu ang pasilidad at hindi pa solusyon ang sanitary landfill sa lumalalang problema sa pagtatapon ng basura.

Itinakda na ng Cebu Provincial Economic Enterprise Council ang paggawad ng kontrata para bumuo ng pasilidad ng waste-to-energy sa isang mosyon na isinagawa noong nakaraang linggo.