Kasabay ng pagpasok ng typhoon season, tiniyak ng Department of Energy(DOE) ang kahandaan nito para tumugon sa mga kalamidad.
Sa naging statement ng ahensiya, binigyang-diin nito ang commitment ng Task Force on Energy Resiliency (TFER) na nakahandang tumugon sa mga epekto ng kalamidad.
Kasama rin dito ang tuloy-tuloy na pagtutok ng task force hanggang sa ‘recovery phase’.
Giit ng ahensiya, nakahanda ang mga frontline workers nito upang tumugon at agad ibalik ang mga nakompromisong energy facilities, saan mang bahagi ng bansa.
Kasabay nito ay hinikayat din ng DOE ang kooperasyon ng bawat isa sa mga naturang panahon upang magkaroon ng maayos na rehabilitasyon, restoration, at recovery.
Samantala, nagbigay-pugay din ang ahensiya sa mga frontline workers sa energy sector sa kanilang dedikasyon sa trabaho, kasabay na rin ng National Disaster Resilience Month celebration ngayong buwan ng Hulyo.