-- Advertisements --
image 9

Tiniyak ng Department of Energy(DOE) na tututukan nito ang pagpapanumbalik sa suplay ng kuryente sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon na hindi pa naibabalik sa normal ang daloy ng kuryente.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, sa kasalukuyan ay marami ang mga lugar na hindi pa naibabalik sa 100% ang supply kanilang elektrisidad.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc., Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc., Cagayan II Electric Cooperative, Inc., at Abra Electric Cooperative, Inc.

Sa mga nabanggit na lugar, 50% pa lamang ang naibabaik na supply ng kanilang kuryente.

Sa hiwalay na ulat, sinabi naman ng National Electrification Administration(NEA) na 1.6million consumers na ang nagkaroon ng kuryente.

Ang mga nasabing consumer ay unang nawalan ng supply noong kasagsagan ng pananalasa ng supertyphoon Egay, dahil na rin sa pagkasira ng mga poste, inya, at ng mga transmission lines.

Gayonpaman, ang nabanggit na bilang ay katumbas lamang ng 64% mula sa kabuuang bilang ng mga consumers na naapektuhan ang kanilang power supply.

Sa kasalukuyan, limampung electric cooperative na mula sa 62 dating apektado ang nag-ulat na balik na sa normal ang kanilang power service.