Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang sapat na supply ng kuryente ngayong Mahal na Araw. Kasabay nito ang pagdagsa ng mga motorista sa kani-kanilang mga probinsya.
Nakipag-ugnayan din ang DOE sa mga energy company para matiyak ang supply ng kuryente, at mga tindahan ng langis upang maisaayos ang kanilang operasyon ngayong holiday season.
Nagpasalamat naman si Energy Secretary Raphael P.M. Lotilla, aniya ‘We thank our partners in the electricity and downstream oil sectors for their collaboration to ensure a steady power supply, accessible fuel, and a safe, smooth travel experience for all.’
Sa pagpupulong ng ahensya sa mga power generation companies at electric cooperatives, sinigurado ng mga ito na matutugunan ang mga pangangailangan ng kuryente sa ibat ibang lugar sa bansa na madalas pinupuntahan ng mga torista.
Bukod dito nakahanda naman ang contingency plan ng DOE para sa mga posibleng problema sa suplay ng kuryente.
Nakipag-ugnayan din ang ahensya sa mga petroleum retailers upang tiyakin ang imbentaryo ng gasolina at serbisyo sa mga pangunahing highway. Habang extended naman ang operation hours ng mga gasolinahan upang matugunan ang tumaas na demand.
Samantala, iniulat ng DOE na mayroong 962 na charging stations para sa mga electric vehicle (EV) na matatagpuan sa National Capital Region.
Nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na magsagawa ng mga simpleng hakbang sa pag-titipid ng kuryente sa inyong mga tahanan.