Inaasahan ng Department of Energy (DOE) na matatapos sa katapusan ng buwan ng Marso ang upgrade ng Cebu-Negros-Panay transmission maging ang maintenance works para sa coal-fired power plant ng Palm Concepcion Power Corp. (PCPC) sa Iloilo.
Sinabi ng DOE na malapit nang bumuti ang sitwasyon ng kuryente sa naturang isla.
Ayon sa DOE, dapat ipagpatuloy ng mga generator, distribution utilities, at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kanilang kooperasyon sa pagpapanatili ng katatagan ng grid at upang mabilis na makabangon mula sa anumang power interruption.
Sinabi ng ahensya na ang Panay Island ay pinapagana ng apat na malalaking coal power plant na may kabuuang kapasidad na 451 megawatts (MW) at siyam na mas maliit na diesel/bunker at renewable na may kabuuang kapasidad na 220.3 MW.
Bukod sa mga generator sa isla, 180 MW ang maaaring makuha mula sa Negros hanggang Panay sa pamamagitan ng isang submarine cable.
Sinabi pa ng DOE na ang kabuuang demand ng kuryente sa Panay Island ay kasalukuyang nasa ibaba 400 MW.
Idinagdag pa ng ahensya ang mga panandaliang solusyon na isinagawa ng NGCP.
Kabilang na rito ang paggamit ng 10 porsiyentong headroom ng malalaking coal plants bilang contingency reserve at iba pang pamamaraan.