-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Department of Energy na magiging sapat ang supply ng kuryente hanggang sa kalagitnaan ng taong 2024.
Ito ay ginawang pagtitiyak ni Energy Secretary Raphael Lotilla sa harap ng nagbabadyang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa kalihim, tinalakay na ng kanilang ahensya at ng state weather bureau ang mga gagawing kakbang at paghahanda sa EI Niño phenomenon sa pagsapit ng susunod na taon.
Tiniyak rin ni Lotilla, na magtutuloy tuloy ang sapat na suplay ng kuryente sa bansa hanggang sa taong 2025 .
Patapos na rin aniya ang mga isinasagawang power management system sa ilang mga pangunahing power plant sa bansa.
Hinikayat naman ng opisyal ang publiko na makibahagi sa pagtitipid ng kuryente kahit pa sapat ang supply nito.