-- Advertisements --
Umaasa ang Department of Energy (DOE) na matutuloy bukas ang nakikita nilang big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DOE Undersecretary Gerardo Erguiza, ang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng pumalo sa P6, habang P12 naman sa kada litro ng diesel, at nasa P9 ang sa kerosene.
Sinabi ni Erguiza na bumubuti na rin kasi sa ngayon ang kondisyon sa supply ng langis.
Gayunman, binalaan pa rin nito ang publiko sa posibleng pagbabago pa rin sa presyuhan sa mga susunod pang mga linggo.
Noong nakaraang linggo, pumalo sa P13.15 ang itinaas ng mga kompanya ng langis sa presyo ng diesel, P7.10 sa kada litro ng gasolina, at P10.50 naman sa kada litro ng kerosene.