Walang nakikitang pananabotahe ang Department of Energy (DOE) sa aberya ng ilang power plants sa bansa sa gitna ng mainit na panahon.
Paliwanag ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan na ang nasabing insidente na nakaantala sa full operation ng ilang power plants ay dahil sa mataas na demand o pagkonsumo ng kuryente ngayong mainit na panahon.
Nagpadala rin ng reports at ebidensiya ang mga planta kaugnay sa naantalang operasyon at internal problems na ayon sa ahensiya ay sapat na dahilan para magkaproblema talaga sa full capacity ng mga planta para mag-operate.
Saad pa ng opisyal na sa kasalukuyan ay walang tinatayang yellow o red alerts sa power grid ng bansa sa mga susunod na linggo dahil nananatiling nasa normal na kondisyon ang suplay ng kuryente.