Sanib pwersa ngayon ang Department of Finance at Asian Development Bank para sa pagtatayo ng 37.5 kilometer climate resilient expressway.
Ang Laguna Lake Road Network Project na itatayo sa Laguna Lake ay naglalayong palakasin ang climate resilience ng mga residente sa naturang lalawigan.
Inaasahang makatutulong ang proyektong ito para mabawasan ang trapiko at sa lahat ng mga kadalasang biktima ng mga pagbaha sa lugar.
Palalakasin rin nito ang ekeonomiya ng Laguna maging nang buong rehiyon ng Calabarzon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, na sa ilalim ng kanyang pamumuno, makakasiguro na ang bawat pisong buwis ng mga Pilipino ay mapupunta sa mga proyektong matibay at pangmatagalan.
Samantala, ang Laguna Lake Road Network Project ay popondohan ng Asian Development Bank.
Ang kabuuang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱95.05 billion na babayaran naman ng Pilipinas sa pamamagitan ng financing aggrement.