Kumpiyansa si Finance Sec. Carlos Dominguez na lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabuuan ng taon kasunod ng pagbagal pa ng inflation rate patungo sa official target range na 2-4 percent habang binibilisan din ng gobyerno ang implementasyon ng mga infrastructure projects matapos maaprubahan na ang 2019 General Appropriations Act (GAA).
Sinabi ni Sec. Dominguez, dahil sa pagkakaantala ng 2019 national budget, pumalo lamang sa 5.6 percent ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa first quarter ng taon.
Ayon kay Sec. Dominguez, kung hindi lang nagkaroon ng budget impasse sa Kongreso na humantong sa paggamit ng re-enacted budget sa unang tatlong buwan, tiyak na mas malaki ang inilago ng ekonomiya dahil nabuhusan na sana ng pondo ang mga mahahalagang proyekto na nakahanay.
“The budget impasse in the Congress during the year’s first three months had set off a spending cutback, which, in turn, stifled economic activity,†ani Sec. Dominguez. “Were it not for the Senate-House deadlock over the 2019 GAB (General Appropriations Bill), which forced the government to operate on a reenacted 2018 budget for the entire first quarter, the economy could have received a tremendous boost from what should have been much higher state spending on infrastructure modernization and human capital formation at the onset of 2019.â€
Pero dahil aprubado na umano ang 2019 national budget, tiwala siyang makakabawi ang ekonomiya ng bansa dahil ilalagay nila sa “fast lane” ang “Build, Build, Build” program ng Duterte administration at sisipa rin ang domestic consumption o paggastos ng mga mamamayan kasunod ng pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
“Economic growth is expected to finish stronger over the April-June period and for the rest of 2019 as the government puts ‘Build, Build, Build’ on the fast lane following the passage of the 2019 GAA and domestic consumption picks up amid cooling inflation,†dagdag ni Sec. Dominguez.