Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Finance (DOF) na paigtingin ang pag-uusig sa mga smuggler at mga gumagawa ng illicit trade o ipinagbabawal na kalakalan o pagbebenta ng mga sigarilyo at vapor products upang mabawasan, kung hindi man mapuksa ang naturang ilegal na aktibidad.
Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat balikan ng DOF, kasama ang Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs ang kanilang mga estratehiya para makakuha ng convictions laban sa mga nahuli sa smuggling at ipinagbabawal na kalakalan.
Mula 2017 hanggang 2024, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagsampa ng 29 na kaso sa Department of Justice na may tinatayang tax liability na P9.9 bilyon.
Ang Bureau of Customs (BOC) naman ay nagsampa ng kabuuang 62 kaso mula 2018 hanggang 2024 kaugnay sa smuggling ng mga ipinagbabawal na sigarilyo na may kabuuang dutiable value na P2.255 bilyon.
a 62 na kaso, 12 kaso ang nasa ilalim ng preliminary investigation, 40 ang nasa automatic review ng justice secretary, 2 ay para sa pagsasampa sa korte, 4 ang naisampa sa korte, 1 ang na-dismiss, 1 ang nagresulta sa acquittal, at 1 ang nagresulta sa isang conviction.
Ayon kay Gatchalian, masyadong mababa ang conviction rate laban sa mga smuggler para pigilan ang mga salarin sa paulit-ulit na pagkakasala.