-- Advertisements --
Ipinapanukala ng Department of Finance (DOF) na dapat ay tuloy-tuloy pa rin ang pork importation.
Ito ay dahil sa patuloy ang pag-recover ng mga local hog industry matapos na salantahin ng African swine fever (ASF).
Ayon kay DOF Undersecretary at Chief Economist Gil S. Beltran na kailangan talaga ng bansa ito para matugunan ang pangangailangan ng bansa.
Patuloy pa kasing nararamdaman ang epekto ng ASF at ito ay matatagalan bago tuluyang mawalan.