Inirekomenda ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Inter-Agency Task Force (IATF) at kay Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan na ang paglalagay sa Metro Manila at CALABARZON area patungong modified GCQ (MGCQ) mula sa kasalukuyang general community quarantine (GCQ).
Sa pulong ng IATF sa Malacanang, binigyang diin ni Dominguez na mahalagang mabuksan na ang ekonomiya sa NCR at sa kalapit na CALABARZON na binubuo ng Calamba, Laguna, Batangas, Quezon province at probinsiya ng Rizal dahil sa mahigit 60 porsyento ng ekonomiya ng ating bansa ay nakadepende rito.
Paliwanag pa ng kalihim kung merong mga lugar o barangay o kaya naman ay kompaniya na mataas ang kaso ng COVID ay ‘yon na lamang ang ilagay sa lockdown at hindi ang pangkalahatan na malaking lugar.
“I really believed, we really should begin. You know, you put NCR and Calabarzon that is where the economy is based. About 60 or 67 percent of our economy is based on that area. That should movd more to MGCQ as quickly as possible. Because people have to start working,” ani Dominguez kay Pangulong Duterte. “For me we should monitor it maybe on a barangay level, maybe if the cases go up just close it down. But do it on place to place and do it also in a company to company. So, if a company has a big spike close it down and also do it into company to company cases.”
Sa naturang linggong pagpupulong inanunsiyo rin ng Pangulong Duterte na mananatili pa rin ang Metro Manila, Rizal at Cavite sa general community quarantine hanggang July 15.
Habang ang lalawigan ng Batangas, Laguna, Quezon, at Lucena City ay nasa ilalim na ng MGCQ.