-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Finance ang publiko na iwasan muna sa ngayon ang pag click sa mga link na konektado sa kanilang Official X account.

Ayon sa ahensya, na hack ang kanilang social media account.

Batay sa inilabas na abiso ng DOF, na kompromiso ang kanilang account at hanggang sa ngayon ay hindi pa naibabalik sa kanila ang access nito.

Iwanan rin aniya na i click ang mga link na makikita sa mga post nito sa naturang account para maiwasang mabiktima .

Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na patuloy ang kanilang isinasagawang security sa naturang digital platform.

Para hindi na maulit ang ganitong insidente, maglalagay sila ng additional measures

Paumanhin naman ang hinihingi ng ahensya dahil sa kalituhan inihatid nito sa publiko.