-- Advertisements --
DOF

Kumpiyansa ang Department of Finance (DOF) na maabot ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga target ng koleksyon nito para sa medium-term.

Sa isang pahayag, sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na nagawa ng BIR na makamit ang isang makasaysayang antas ng koleksyon ng buwis sa mga nakalipas na taon.

Sa partikular, binanggit ni Diokno ang paglaban ng BIR laban sa ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo, vape, at iba pang mga illegal trades.

Sa pamamagitan ng Run After Fake Transactions (RAFT) program nito, natukoy at naisampa ng BIR ang mga kasong kriminal laban sa mga nagbebenta at gumagamit ng mga commercial invoice/receipts na ginagamit upang suportahan ang mga pekeng transaksyon.

Mula Enero hanggang Setyembre 2023, nagsampa ang BIR ng mga kaso sa apat na ghost corporations na may estimated tax liabilities na P25.5 bilyon at tatlong Corporate Buyers at kanilang mga Officers, Accounting Firms, at Certified Public Accountants (CPAs) na may kabuuang estimated tax liabilities na P17. 9 bilyon.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang ang BIR upang malabanan at matugunan ang mga ilegal na gawain at kalakalan sa buong bansa.