Nangako si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez na dodoblehin pa nila ang kanilang mga pagsisikap na ginagawa hanggang sa mga huling buwan ng administrasyong Duterte.
Ito ay upang mabawi daw ang mga nawala sa ekonomiya ng Pilipinas nang dahil sa epekto ng matagal na pandemyang kinakaharap ng bansa.
Ipinahayag ni Dominguez na layunin nilang mabilis na mapalago ang ekonomiya ng bansa sa huling bahagi ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi rin ng opisyal na hindi magiging isyu ang election season sa kanilang layunin at isang comprehensive fiscal consolidation plan din ang magiging kanilang ipapasa sa susunod sa administrasyon para muling ibalik ang high growth trajectory ng bansa.
Magugunita na noong 2021 ay pumalo na sa 5% ang itinataas ng naitalang revenue collection ng bansa kumpara noong taong 2020, habang ang kabuuang merchandise trade at remittances naman ay mas mataas din kumpara sa naitala noong pre-pandemic level, na ayon naman kay Dominguez ay isang pahiwatag na raw ng muling pagbabalik ng matatag na economic activities ng bansa.