Nagsasagawa ng inventory ang Bureau of Customs (BOC) sa mga nakumpiska nilang mga pagkain, gamit at agricultural products.
Ayon sa Department of Finance na kanilang pinag-aaralan kung ang mga ito ba ay maaring mai-donate sa mga biktima ng bagyong Carina.
Naghahanda rin ang DOF na ilabas ang $500 milyon na standby credit line para magamit agad ng gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo gaya sa healthcare, pagkain at masisilungan sa mga apektado ng bagyo.
Ang loan ay maaring maging post-disaster emergency response, recovery at reconstruction efforts.
Maniningil din ang Bureau of Treasury sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP) ara sa mga damyos ng natamo ng nasa 45 na public schools sa walong rehiyon na nagkakahalaga ng P308.5 milyon.
Kapag nailabas na ang pondo ay maaring gamitin ito ng Department of Education sa pagsasaayos ng mga paaralan.