Muling tiniyak ng pamunuan ng Department of Finance na walang bagong buwis na ipatutupad hanggang 2028 sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Ito ay kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto sa isang panayam.
Ayon kay Recto, ang pamahalaan ay naka focus ngayon sa pagpapahusay ng mga koleksyon sa tax sa pamamagitan ng digitalization ng ahensya.
Kaugnay nito ay umaasa si Recto na walang magiging ‘triggers’ para mapilitan ang DOF na magpatupad ng panibagong bagong tax measures.
Last resort rin umano ng administrasyong Marcos Jr. na magtaas ng buwis .
Sa ngayon kasi ay mataas na aniya ang buwis sa bansa kung saan 60% ng kita ng gobyerno ay mula sa indirect taxes.
Samantala, itinanggi naman ni Recto ang balita na may kinalaman ang kanyang naging posisyon sa pagbubuwis sa kanyang pang politikal na plano.