Hindi lahat ng mga inutang ng bansa noong 2020 ay ipinambili ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Department of Finance Carlos Dominguez, na may mga pinaggastusan ang gobyerno gaya ng pagbabayad ng utang at ilang proyekto ng gobyerno napunta ang nasabing pera.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pag-kuwestiyon nina Senator Panfilo Lacson at Risa Hontiveros sa dami ng pondo na inilaan sa pagpapabakuna subalit patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa public address ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng kalihim na bago ang pagbili ng mga COVID-19 vaccine ay nabayaran na ng gobyerno ang utang nito bago ang pandemic.
Noong 2019 aniya ay mayroong P3.8 trillion ang nagastos sa iba’t-ibang proyekto at nakakulekta ang gobyerno ng P3.1 trillion mula sa mga buwis.
Mayroon aniyang P666 bilyon na pagkakautang pa ang bansa bago ang pandemic at ng dumating ang COVID-19 crisis ay tumaas ang utang ng bansa sa P1.37 trillion.
Sa taong 2020 din ay gumastos ang bansa ng P4.23 trillion kung saan P250 bilyon dito ay ibinigay na ayuda sa mga mamamayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.
Dahil sa P1.78 trillion ang deficit ng pondo ng gobyerno ay nakatakdang humiram ang gobyerno ng P3 trillion para mabayaran ang ilang gastusin.
Karamihan aniya sa mga pondo na pambili sa bakuna ay nasa banko pa rin.