-- Advertisements --

Pinasalamatan ng Department of Finance (DOF) ang World Bank-International Bank for Reconstruction and Development.

Ito ay dahil na rin sa pangako nitong pagsasaayos muli ng nasa tatlong libong climate resilient school na naapektuhan nang sunod-sunod na bagyo.

Una rito ay lumagda mismo si Finance Secretary Ralph Recto sa isang financing agreement kasama ang World Bank-International Bank for Reconstruction and Development na siyang magpupundo sa naturang proyekto.

Kabilang sa mga gagawin ay repair, rehabilitation, retrofitting, at reconstruction sa mga nasirang paaralan mula taong 2019 hanggang 2023.

Ayon kay Recto, katuwang ng bansa ang World Bank-International Bank for Reconstruction and Development sa layunin nitong gawing climate resilient ang Pilipinas.

Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang kabuuan nang proyekto ay nagkakahalaga ng $555.56 million habang ang ibang gastos na kakailanganin ay sasagutin ng pamahalaan.