-- Advertisements --

Mayroon ng go-signal si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III sa Bureau of Customs (BOC) na huwag ng buwisan ang mga medical supplies at mga kagamitan para sa online learning na galing sa ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para mas lalong mapapalakas pa ang healthcare capacity ng bansa laban sa COVID-19.

Nakasaad sa Customs Administrative Order (CAO) No. 12-2020 na ang mga importers at manufacturers ay exempted mula sa import taxes, duties and fees base na nasa ilalim ng Republic Act (RA) 11494 o Bayanihan to Recover as One Act o (Bayanihan 2).

Bukod sa mga gamot ay kabilang na hindi na papatawan ng buwis ay ang mga personal computers, laptops, tablets at ilang mga kagamitang eskuwela na donasyon para sa mga pampublikong paaralan.

Magiging epektibo ang tax exemption simula Disyembre 19, 2020.