Inihayag ng Department of Finance na plano nilang busisiin ang lahat ng mga proyekto at kontratang pinasok ng pamahalaan .
Ito ang naging pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto matapos ang paglagda sa public-private partnership (PPP) concession agreement ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa kalihim, nais lamang na matiyak ng kanyang ahensya na ang lahat ng mga proyekto ng gobyerno ay ganap na mapapakinabangan ng taumbayan .
Bukod dito ay nanawagan rin ang kalihim sa San Miguel Corporation na siyang nanalong bidder na i-maximize ang potensyal ng bansa sa kanilang isasagawang rehabilitasyon sa naturang paliparan.
Aniya, ang rehabilitasyon ng itinuturing na main gateway ng Pilipinas ay inaasahang maghahatid ng maraming turista na siya namang magtutulak ng economic growth ng Pilipinas.
Umaasa rin si Recto na ng groundbreaking deal sa ilalim ng public-private partnership ay magiging hudyat ng iba pang public-private partnership sa mga susunod na taon.
Naniniwlaa rin ang ahensya na ang ₱170.6-billion pesos na concession agreement ay maghahatid ng ₱900-billion sa loob ng concession period nito na 15 years na may 10 years provision extension.