-- Advertisements --

Maglulunsad ng auction ang Department of Finance (DOF) para sa mahigit 28,000 na maliliit na ari-arian sa Pilipinas kabilang ang mga lupaing may sukat na kasing liit ng 200-square-meter lot, para sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nakatakda naman maglathala ng mga guidelines ang ahensya para sa privatization ng mga ari-arian, upang payagan ang sinuman, kabilang ang mga informal settlers, na magbigay ng ninanais na presyo sa pagbili.

Bagama’t naantala ng isang buwan ang publication ng guidlines ay magiging epektibo naman ng 15 araw matapos ito ma-publish.

Samantala ang mga patakaran na naantala ng isang buwan, ay nagdadala naman ng flexibility sa pagpepresyo ng ahensya, kung saan ang Privatization Council ay maaaring mag-apruba ng mga kasunduan na mas mababa sa zonal value.