-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Finance (DOF) ang incoming administration na huwag suspendihin ang excise taxes sa mga fuel.

Ayon sa DOF na dapat patuloy ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga iba’t-ibang sector para maibsan ang patuloy na pagtaas ng gasolina at diesel.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong P6.1-bilyon na subsidies para sa transport at agricultural sectors.

Inihalimbawa pa ng DOF na kapag kinansela ang excise taxes ay mababawasan ang kita ng gobyerno ng P105.9 billyon sa kada taon.