-- Advertisements --

Nanawagan si Department of Finance (DoF) Secretary Carlos Dominguez sa mga kongreso na ipasa sa tama panahon ang 2020 Budget.

Ayon sa kalihim na mahalaga ang pagpasa sa tamang panahon ang budget dahil naranasan na kung gaano kahirap ang paggamit ng re-enacted budget.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagbanta ni House panel of government spending chairman at Davao City Rep. Isidro Ungab na ang budget ay posibleng maantala dahil maraming mga mambabatas ang nais na ipasingit ang mga priority projects.

Pinawi naman ito ni House tax-writing committee at Albay Rep. Joey Salceda at sinabing nagkaisa na sila na suportahan ang desisyon ni Speaker Alan Peter Cayetano na maipasa ang 2020 budget bago ang break nila sa October 5.