-- Advertisements --
Nilinaw ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez na walang asset ng gobyerno ang ibebenta para malabanan ang new coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbebenta sila ng pag-aari ng gobyerno para mapondohan ang nasabing pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa ng kalihim na hindi na dumating ang punto na magbebenta na ang gobyerno ng kanilang asset sa pinakamababang presyo.
Magugunitang makailang beses na ipinagigiitan ng pangulo na handang ibenta nito ang Cultural Center of the Philippines at Philippine International Convention Center at ilang asset para may makuhang pondo.