-- Advertisements --

Inatasan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC) na tulungan ang Department of Agriculture sa pag-imbestiga sa umano’y paggamit ng mga private traders ng mga cooperatives para makapag-angkat ng bigas.

BSP DOF business

Ayon sa kalihim na dapat masagot kung bakit may mga negosyante ang gumagamit ng coops para makapag-angkat ng bigas.

Hinala din nito na baka inaabuso nila ang tax advantage ng rice imports.

Nalaman kasi ng DA at DOF na pumapasok na ang mga rice traders sa importasyon ng bigas imbes na bumili na lamang mga local farmers.