Plano ng Department of Finance (DOF) na magpatupad ng excise tax sa mga single-use plastic bags.
Ayon sa DOF na sumasaklaw sa nasabing proposal ang mga single-use plastic bags na hindi puwedeng mairecycle gaya ng mga ice bags, sando bags o plastic “labo” bags.
Sa nasabing panukala na patawan ng P100 per kilo na excise tax sa single-use plastic bags na may apat na porsyento na annual indexation mula ikatlong taon na ito ay ipinapatupad.
Dahil dito ay tataas ang presyo ng mga labo bags na mula sa P0.47 ay magiging P0.82 na ito kada piraso habang ang sando bag ay mula P0.51 hanggang P0.91 kada piraso.
DA pagtaya ng ahensiya na makakakuha sila ng nasa P31.52 bilyon na kita mula sa nasabing inisyatibo sa taong 2025 hanggang 2028.
Ang nasabing kita ay ilalaan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) solid waste management program sa iba’t-ibang munisipalidad.