-- Advertisements --

Nakibahagi na rin si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pagpapaliwanag sa isyu ng hindi pagbabayad ng income tax return (ITR).Ayon sa kalihim wala daw paglabag sa 1977 National Internal Revenue Code (NIRC) ang kabiguang maghain ng tax returns o pagbabayad ng buwis.

Nilinaw ni Sec. Dominguez na nagkaroon lamang daw ng kaparusahan ang hindi pagbabayad ng buwis ay noong taong 1992.

Nakibahagi na rin si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pagpapaliwanag sa isyu ng hindi pagbabayad ng income tax return (ITR).

Ayon sa kalihim wala raw paglabag sa 1977 National Internal Revenue Code (NIRC) ang kabiguang maghain ng tax returns o pagbabayad ng buwis.

Ginawa ni Dominguez ang paliwanag matapos na ibasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang disqualification cases na inihain laban laban kay presidential aspirant former Senator Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kabiguan nitong maghain ng apat na beses ng ITR noong gobernador pa ito ng ilocos norte.

Bahagi kasi ng sinasabi ng Comelec na ang kabiguang maghain ng tax return ay hindi naman mali kung walang batas na nagpapataw ng kaparusahan.

Ang naturang desisyon ay mainit na pinagdebatehan din ng mga netizens lalo na ang usapin ng filing ng ITR.

Dahil dito sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, na ito raw ay “taken out of context.”

Giit naman ni sec Dominguez, ang 1977 National Internal Revenue Code ay applicable sa Tax Code mula 1983 hanggang 1985.

Ito raw ang panahon na taxable years nang mabigo si Marcos Jr na mag-file ng kanyang income tax return.

Inihalimbawa pa ng DOF chief ang 1977 provision na may nakapaloob na nagsasabing, “ang isang mamamayan na ang kinita ay bubuwisan sa ilalim ng section 21 ng Code na ito kung saan ang tax withheld mula sa compensation income ay final na ay exempted sa filing o kabiguan na magbayad ng buwis at magfile na lamang ng ITR sa itinakdang period.”

Aniya, ang probisyon na ito ay tinanggal lamang daw noong taong 1992.

Kung maalala si Dominguez ay humawak ng dalawang Cabinet positions noong administrasyon ng dating yumaong Pangulong Cory Aquino.

Kaugnay nito binigyang diin ni Sec. Dominguez na sana maintindihan ng publiko ng tama ang isyu sa wastong tax compliance sa ilalim ng batas.