Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Finance na mula Mayo 1 ng taong ito ay magpapatupad na silang 4-day work week para sa kanilang mga empleyado.
Layon ng hakbang na ito na mabawasan ang paghihirap sa pakikipag buno sa araw-araw na traffic patungo at pabalik sa kanilang mga opisina.
Ayon sa ahensya, layon rin nito na maiiwas ang kanilang empleyado sa matinding init ng panahon.
Ginawa ni Finance Secretary Ralph Recto kasabay ng pagdiriwang nito ng kanilang anibersaryo.
Sinabi rin ng kalihim na kanilang ilalabas ang mga panuntunan sa nasabing 4-day work week arrangement.
Kung maaalala, nilinaw ng Civil Service Commission na ang ganitong working arrangement ay maaari namang ipatupad.
Kinakailangan lang aniya na makumpleto ang 40 hours na pasok kada linggo o 10 hours na pasok ng mga empleyado araw-araw.
Dapat rin matiyak na hindi makompromiso ang anumang serbisyo na inihahatid nito sa taumbayan.